Friday, March 6, 2009

Ang Aking Pagkabigo






Hindi ko alam kung paano ako magsisimula.
Pakiramdam ko parang nawalan ako ng kaluluwa.
Gusto ko hanapin sarili ko at mag umpisa ng panibago.
Mag umpisa lang naman ito sa isang pagtatapat.
Masarap magmahal.. Mahirap kung yung mahal mo hindi ka mahal.
Sadyang may mga pagkakataon o pangyayaring hindi tugma at hindi pwede ipilit.
Marami rami na din naman pagsubok at pagkabigo ang dumating sa buhay ko..
Pero ito apektado ang isip at lalo ang damdamin ko.
Sa lahat ng minahal ko ito yung pinakahuli" sana ".
Naramdaman ko ito matagal na Nung meron pa akong " minamahal".
Lalong tumatagal lumalalim yung nararamdaman ko para sa kanya.
Hindi ko ito pinaalam sa kanya, pilit ko itinago.
May mga araw na iniisip ko siya, Minsan tuliro at tulala ako..
Hanggang isang araw,
Pinaalam ko na yung nararamdaman ko para sa kanya
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nabasted ako.. Haays.... para akong nabalian
ng pakpak at dinurog ang aking puso. Para ayaw ko ng gumising sa pagkahimbing..
Sa bawat pag gising ko na akala ko panaginip lang pero ito ay isang masakit na pagkabigo.


Sa mundong ito walang permanente laging may pagbabago..

Isa na lang iniisip ko kailangan kong pagalingin ang nabali kong pakpak
at sa aking paglipad tanging sulyap na lang ako sa kanya..
Nakabantay sa bawat yugto ng buhay nya..

1 comments:

BUHAY BAYOT said...

Parte ng buhay ang makaranas ng tagumpay at pagkabigo. Dumaraan tayo sa lahat ng mga pagsubok na dapat nating harapin habang tayo ay nabubuhay pa.

Higit sa lahat, ang mahalaga kapatid ay marunong kang umibig at iibig pang muli.